ARAL Program, Opisyal nang Inilunsad sa Cabatuan NHS

Pormal nang binuksan ang ARAL Program sa Cabatuan National School (CNHS) nanaglalayong matugunan ang problema sa mga mag-aaral na hindi marunongmagbasa at magsulat, ika-12 ng Septyembre.

Nakatutulong ito sa mga mag-aaral na nangangailangan ng suporta sa knilang pag-aral lalo na sa kanilang pag babasa. Ipinakita naman ni Dr. Julian B. James Jr., punongguro ng paaralan ang kaniyang suporta sa nasabing programa.

“Ibibigay namin lahat ng pangangailangan sa pag-aaral upang lahat ng mag-aaral ay mag tagumpay” ani James.

Nagbigay din ng suporta ang ilang opisyales ng Cabatuan NHS kabilang ang SPTA President Oliver I. Llamelo at iba pa.

Nakasaad sa programang ito ang paglalaan ng isang oras (4-5pm) sa pagbabasa na pangungunahan ng mga reading coordinators.

Dagdag ni Gng. Genalyn G. Dela Cruz, nawa’y maging matagumpay ang pagsusulong ng programa para sa ikakaunland ng bawat mag-aaral.

Sa huli ay opisyal ng binuksan ang ARAL Program banner na pinangunahan ng Punongguro ng paaralan at mga kaguruan

Tamang Pagsasagawa ng NSED, BinigyangDiin

Ngayong araw, isinakatuparan ang 3rd Quarter National Simultaneous Eartquake Drill ( NSED) Sa Cabatuan Natinql High School , bilangng pagpapalakas ng kahandaan ng mga guro at mag-aaral.

Aon kay Giancris S. Benigno, Senior High High School nurse ng LD3 “Hindi siniseryoso ng ilang ang eartquake drill dahil may mga tumatakbo at nagtatawanan pa”.

Binigyang-diin din ni Benigno, na mahalaga angpagsasagawa ng proper execution sa earth quake drill, sapagkat ito ang magsisilbing gabay ng mga mag-aaral upang maging ligtas sa panahon ng sakuna.

Samantala, pinaalala rin ni Ma’am Maribel Dionisio na sa mga ganitong pagkakataon ay tungkulin ng subject teacher na tignan at gabayan ang mga estudyante, at umaasa siyang magiging mas maayos pa ang susunod na NSED.

Layunin ng National Simultaneous Earthqyuake Drill (NSED) na masiguro ang kahandaan ng bawat isa upang maiwasan ang anumang kapamahakan at mapangangalagaan ang kaligtasan sa oras ng tunay na lindol

Design a site like this with WordPress.com
Get started